Tuesday, February 10, 2009

Kung Ako ang Presidente ng Pilipinas

Ang buhay ng isang normal na empleyado na katulad ko ay ganito: May pamilya akong sinusuportahan, may bahay na binabayaran, may mga gastusin sa bahay tulad ng bills, pagkain, allowance ng magulang, mga gastusin para kumita rin ng pera katulad ng pamasahe, baon, damit, at kung meron mang extra tsaka lang makakabili ng pang extra rice.

Tapos nun, pagdating ng sweldo ko, madidisappoint lang ako. Ang laki laki ng tax ko.

Tapos may mababasa ako sa lifestyle magazines ng lifestyles ng mga kamag-anak, crony, kaibigan, cohorts at kung sinu sino pang related sa pangulo. Ang ganda ganda ng mga bahay, napakarangya ng buhay, walang trace ng kahirapan.

Valid naman ang reklamo ko.


Hindi naman madali ang buhay para sa kin, aral sa umaga, trabaho sa gabi. Hindi naman sa nagrereklamo pero sana naman yung efforts ko para sa bayan eh ma-compensate naman. Sabi sa unibersidad, ibalik ang ginastos ng bayan sa tuition fee ko sa pamamagitan ng serbisyo, eh anak naman ng tipaklong yung serbisyo kong ibibigay "for the betterment of the country" eh nilalamon lang ng administrasyong baluktot. Yet, I'm still here. Hindi na ata ang tao ang kailangang baguhin, kundi ang administrasyon.

Kaya nagtanung-tanong ako sa opisina kung ano ang tingin nila sa topic sa Socio 10 class ko. Kung ako ang presidente ng Pilipinas ang title. Heto ang kanilang mga input:


"Graft + Corruption 2D Maxxx! Then, if ma-overthrow,
punta ng Rome to ask for penance from Benedict XV" -Kris L.
(Ito ang officemate ko na may pagka-pessimistic (pero realistic din ang sagot nya).
Nang tanungin ko kung bakit ito ang sagot nya, ang sabi nya: "Bakit, totoo naman eh, ang normal practice naman sa gobyerno natin, wala talagang sense maglustay ng daan-daang milyon para sa posisyong mamagkano lang ang sahod. Tulad na lang ni Erap, binalik din kay Lucio Tan, Atong Ang at Mark Jimenez lahat ng tinulong nila sa eleksyon, pati pa mga kaso nila, naaabswelto. Pero pag nasa commercial ang mga pulitiko, o sa tv, o pag nasa harap ng tao, kala mo kung sinong mga santo. Ito ba ang mga klase ng tao na nirerespeto? So go with the flow, ite-take advantage ko na yung posisyon ko."


"Provide more budget for education..."
Ang sagot naman ni Abby: "Hindi kasi ako nakatapos ng pag-aaral kasi mahirap ang buhay namin, kaya eto, nag co call center ako. Siguro kung may budget para sa edukasyon ng bawat tao eh sana nasa school ako ngayon."

"Free housing for the poor!!"
Sabi naman ni Gemma: "Sa mahal ng mga bilihin at sa dami ng gastusin, yung sweldo mo wala ng sobra, kulang pa sa mga anak ko, tapos nagbabayad ka pa ng renta, nakaka-stress!"



"Pababalikin ko lahat ng probinsyano sa kani-kanilang mga probinsya para maging maunlad rin ang mga probinsya at hindi lang ang Maynila. Mababawasan pa ng tao sa ciudad."
Ayon naman kay Simon: "Kaya nga may tinatawag na urban poor, kasi akala pagdating dito sa Manila, giginhawa ang buhay. Nasa syudad ka na nga, pero mahirap pa rin ang buhay mo. Sa tingin ko, may mali dun. Sa umpisa, nandito lang ang mga lumuluwas para makipagsapalaran, pero yung iba, dito na magpapamilya, at magsi-stay. Mas maganda ang buhay sa probinsya kahit mas kakaunti yung mga luho, mas malinis, simple at marami pang opportunity para ma-develop. Kung magtutulungan lahat sa probinsya na gawing mas maunlad ang buhay doon, mas makakatulong sa bayan yun."



" I will make sure that we address population growth through family planning and proper education. Unchecked population growth magnifies our issues on development and poverty."
Ito ang boss ko na si Tacy. "There's a big connection between the lack of a strong policy on population growth and underdevelopment. As you know, the resources and opportunities here in the Philippines cannot cope with the exponential boom in our population. That creates a lot of problems not only in the managing the people, but breaks our culture as a people well. We have more than we can handle. Or worse, the government is not a working government. We need something that can curb that number into something that can promise a better future for more Filipinos."


"I will legalize same sex marriage."
Tanong ko: "Sa tingin mo ba mangyayari yan, ever?" Sagot ni Alice: "I'm not hoping, hindi talaga matataggap ng simbahan ang mga kagaya namin, maski ng ibang tao. Pero tao din kami, at dapat ay pantay lang ang karapatan natin."


Legalize marijuana-- share the love."
Sabi ni Mike, "I think that if we legalize Marijuana, then we'll have lots of happy people. Hehehe. What difference does it have from cigarettes? It can also give the government a lot in taxes."


"I-aabolish ko ang mga political dynasty sa bawat probinsya dito sa Pilipinas. Pati na rin sa kalakhang Maynila at i-aabolish ko rin ang pagmomonopolya sa mga lupain na ginagamit sa pagsasaka nang bigas at asukal."
From JP: Enough said.

"Free healthcare to every Filipino!"
Bob said: "I used to be a DJ and worked as a performer and I didnt have benefits since I work on a per project or contract basis, and the radio station I worked for closed business a long time ago. I can say that I struggled my whole life with my health benefits, so I wish it would be easier for artists like me to get this, especially now I'm older. Healthcare is so damn expensive, man!"

"I will make sure that every Filipino will get free education!"
"I wish that every Filipino will get free education up to college, that way, more people will have a fighting chance against poverty and be more effective and active citizens."


Totoong maraming problema sa Pilipinas. Sabi ay nilulutas, pero parang hindi nababawasan. Bagkus as nadaragdagan pa. Bawat SONA, may pangako, may ulat ng kaunlaran. Subalit hindi ko ito nararamdaman. Ilang pangulo na rin ang nagdaan, nakakalungkot na ni isa sa kanila, wala akong masabing kahanga-hanga at dapat parangalan.

I can honestly say that Gloria is a SEVERE DISAPPOINTMENT to this country, to UP(her being an alumna), to me, to everyone. Ako ang nahihiya sa mga pinaggagagawa nya, at kung kunin na sya ni Lord, hindi talaga siya kawalan. I mean, becoming a President is GREATNESS BEYOND IMAGINABLE, as in mind-blowing to the highest level. Tapos, ganito lang gagawin nya. Wala talagang kwenta. The peace in Mindanao has collapsed. Sya na ang pinakamakapal na mukhang presidente, mandaraya sa eleksyon, insinsero sa "I am sorry" statement nya, sa "I will run- I will not run" statements nya na parang luka-luka, sa laki ng kickback nya from government projects--- shit, buwis ko yun ha.

Naikwento pa sa kin ng isa kong kaibigan na nagtrabaho sa National Anti-Poverty Commission na nasa ilalim ng Office of the President, "I worked there for 7 years and finally quit when I decided I couldn't take it anymore. Kapag nagpapatawag sila ng rally, pupunta kami sa squatter para kumuha ng mga tao, tapos yung likod ng van, punung puno ng pera hanggang bubong ng van. 5,000 pesos per jeep. Ganun kadumi." And I go like, "Shit, dun napupunta ang buwis ko? !@*(*i^^!

Pag nagkaron sya ng mukha sa pera ng Pilipinas si Gloria Arroyo, naglolokohan na lang tayo nito.

At ang nakakaloka pa dito, sa susunod na taon, 2010, eleksyon na naman.

Ayoko nang isipin ang susunod na presidente. Lalo pa kaya kung ako ang naging presidente.



Word Count: 1201 + 10 photos (50 x 10) = 1701



1 comment:

  1. This post is very interesting post! I really enjoyed reading it. I'm just hope for a clean and safe election this 2010. Keep posting!


    -pia-
    http://ramonguico.blogspot.com/

    ReplyDelete

Tell me what you think!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...