Thursday, October 4, 2012

Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

Sa lugawan ngayong umaga, nakasabay kong kumain ang isang mag-asawang Lolo at Lola, mga nasa 80+ years old siguro.

Lola: Pabili po ng isang lugaw.
Tindera: Isa lang?
Lolo: Oo. 
Lola: Ayan, share tayo. 

Naghati sila sa maliit na bowl ng mainit at masarap na lugaw. Nung nangalahati na yung bowl, binigay na nya kay Lola at sinabing "sa yo na, ayaw ko na" kahit obvious naman na konti lang ang kinain nya. Ewan ko ba pero sweet na sweet ako pag nakakakita ako ng mga thunders na ganito mag-care sa isa't isa. Promise, kinilig kami ng tindera ng bongga. Parang biglang tumugtog yung "kahit maputi na ang buhok ko" sa background habang pinapanood namin sila at touched na touched kami.


it's considered a blessing to live a long life, and an even bigger blessing to have someone who loves and cares for you in the golden years :)

No comments:

Post a Comment

Tell me what you think!

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...